Pages

Thursday, January 4, 2018

Woyengi: Sa kaharian ni Isembi (dula)

Woyengi: Sa kaharian ni Isembi (dula)
Malayang salin ni Moreal Camba

Mula sa “Woyengi- eksena 3 ni Obutunde Ijimere





PAGKILALA SA MAY AKDA-  Si Obotunde Ijimere ay kilala bilang awtor ng mga libro tulad ng "The Imprisonment of Abatala and Other Plays." Isa syang African awtor na marami pang mga dula na naisulat, naipalimbag o naigawa. Ang kanyang tunay na pangalan ay Ulli Beier, Horst Ulrich Beier, pinanganak noong July 30, 1922 at namatay noong Abril 3, 2011. Isa siyang German, Jewish na editor, writer at scholar sa Nigeria, dito niya ipinapalaganap ang kanyang mga gawa at pati na rin sa Papua New Guinea. Ang kaniyang ama ay isang doktor na mahilig sa sining na siyang nakapag-impluwensiya sa kaniyang buhay. Nang tumanda si Ulli Beier ay nagtrabaho siya bilang teacher, kilala rin siya sa pagsasaling ng mga gawng Nigerian sa wikang Ingles.

URI NG PANITIKAN- Ang pangkalahatang uri ng “Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi” ay piksyon. Ang anyo niyo ayon sa paghahalin ay Pasalinsulat na isinatitik, isinulat, o iginuhit ang panitikan. Ang uri naman nito ayon sa anyo ng tuluyan o prosa na maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ang uri ng akdang tuluyan ng “Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi” ay dula na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ito ay layuning itanghal sa entablado sa pamamagitan ng salita, kilos at galaw sa harap ng mga manonood.

LAYUNIN NG AKDA- Ang akda ay nagpapahayag na wala sa kasarian ang kalakasan ng tao, at hindi dahil siya babae ay dapat ng pag isipan na sila ay mas mahina o walang lakas, ipinakita sa akda ang kalakasan at kakayahan ng babae, at kung pano niya napabagsak ang hari na nagsasabing siya ay mahina. Sa akdang ito, pinatunayan ni Ogboinba (tauhan sa dula) na kayang kaya talunin ng isang babae ang isang lalaki. O diba! wag ninyo kasi minamaliit ang kakayahan ng mga babae, lalo na’t hindi ninyo alam ang kaya nilang gawin sainyo! Wag niyong hayaan na kayo lahat ay lumisan dahil sa babaeng iniisip niyo ay mahina.

 PAGLAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN- Mailalapat ang Teoryang Feminismo sa dula, o ang pantay na pagtingin sa kakayahan ng mga kababaihan sa kalalakihan. Ano nga ba ang ipinagkaiba ng mga babae sa lalaki at ang iba sa inyo ay nagagawa silang pagbabaan ng tingin?

TEMA O PAKSA NG AKDA- Ang tampok na tema o paksa ng akda ay ang KABABAIHAN, at dito sinasabi na hindi dapat minamaliit ang mga kababaihan dahil may sariling kakayahan at kalakasan ang mga babae at kayang gawin ng mga babae ang iba ring kayang gawin ng mga lalaki! Kaya hindi ba dapat ay igalang at huwag na maliitin ang mga kababaihan? Ang isa pang tampok na tema ay ang KAYABANGAN, tulad ng ginawa ng tauhan sa dula, at wala itong mabuting naidulot hindi ba?, si Ogboinba ay muntik nang natalo ngunit nagawa niya pa ring talunin si Isembi. Minsan kasi mas inuuna ng mga tao ang kayabangan kaysa sa kaya talaga nilang gawin.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA-
  Isembi- Ang hari ng kagubatan. Isang hari na may magaspang na pag-uugali na minamaliit ang mga nakapaligid sakanya at ang tingin niya sa kanyang sarili ay napakataas, naniniwala siyang walang nilalang ang sumusuway sa kanyang mga utos, at wala dapat sumuway dito. Naniniwala din siya na walang sino man ang makakatalo sakanya, lalo na kung ito ay babae.
  Ogboinba- Ang babaeng walang kapantay, siya lamang ang natatanging nilalang na nagawang sumuway sa utos ni Isembi. Siya ang babae na hindi agad sumusuko at ang babae na matapang, at kaya niyang patunayan sa iba at sa sarili niya na hindi dahil babae ay mahina na, ipinakita niya ang kanyang kalakasan. Hindi ba dapat ang katangian niya ay maging katangian din mga mga kababaihan sa ngayon? Dapat kayanin ng mga babae na lumaban kung kailan nila kailangan, at sa panahon din natin ngayon, kailangan na itigil ang pag iisip na ang babae ay limitado lamang ang mga kayang gawin at na wala silang lakas gawin ang mga gusto nila. Lahat ng tao ay pantay pantay, at uulitin ko nga, wala sa kasarian ang lakas ng isang tao, ito ay nasa dedikasyon natin.
  Dalawang nilalang na mukhang ibon- ito ay sumisimbolo sa espiritung kapangyarihan ni Isembi.
  Dalawang espiritung nilalang- nagbibigay lakas at kapangyarihan kay Ogboinba.

 TAGPUAN/PANAHON- Ang tagpuan sa dulang ito ay sa kagubatan na pinaghaharian ni Isembi, at pinasok ni Ogboinba.

NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI- Ang dula ang maaaring mahati sa dalawang parte, ang unang parte ay ang mga suliranin, kung saan dito pinakita ang pagyayabang ni Isembi kay Ogboinba na siya ang pinaka mataas sa lahat, na walang sino man ang kayang tumalo sakanya, at dito din ipinakita ang pagmamaliit niya kay Ogboinba dahil sa kanyang kasarian. Ang ikalawang parte o bahagi ay kung saan ipinakita at pinanindigan ni Ogboinba ang mga kaya niyang gawin, at hindi nakikita sa kasarian ang lakas ng tao, dito ipinakita ang pagpapahirap ni Ogboinba kay Isembi, dito niya pinatunayan na ang mga kababaihan ay hindi dapat minamaliit, at na dapat makita ng mga tao o ng ibang mga nilalang ang lakas na taglay ng mga babae.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA- Ang mga kababaihan ay may sariling kalakasan at kakayahan kaya dapat ay hindi sila minamaliit basta basta, lalo na’t hindi mo alam kung ano ang kayang gawin saiyo ng babae na minamaliit mo lang. Ang pagyayabang ay walang mabuting naidudulot lalo na kung wala ka naman kayang ipakita, o kung puro salita ka lang. At ang huli, hindi sa pagpatay nasosolusyonan ang mga bagay o balakid. Ito ay ang mga ideya na taglay ng akda.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA- Sa simula ay pinakikita ang mga problema sa akda ngunit patuloy pa rin ang mga pasabog na mga pangyayari na nakukuha ang atensyon ng mga mambabasa, kaya ito ay hindi nakakawalang gana basahin. Pagkaraan ng mga pangyayaring nakukuha ng atensyon ng mga mambabasa ay sumunod naman ang mga pambihira at malalalim na mga salita na nagpapaisip sa mga mambabasa. Simple lamang ang daloy ng dula ngunit may maganda at malinaw ito na mensahe na dapat maintindihan ng mga mambabasa.

BUOD- Pinasok ni Ogboinba ang gubat, na kaharian ni Isembli kasama ang mga espiritung kanyang kapangyarihan, at dito, nakita siya ni Isembi at inutusan na umalis at sinabi na walang nilalang ang sumuway sa kanyang mga utos. Nagkasagutan ang dalawang tauhan. Sinabi ni Ogboinba na siya ay hindi sunod-sunuran, kung saan ay dito siya sinagot ni Isembi na walang wala ang kapangyarihan ng isang babae sakanya, at dahil dito, hinamon ni Ogboinba si Isembi sa isang sapalaran upang patunayan ang kanyang lakas. Simulang bigkasin ni Isembi ang kanyang mga bulong na naging resulta para humiwalay ang mga espiritung kapangyarihan ni Ogboinba sa kanya, ito ang naging dahilan ng kanyang pagngingisay at pagbagsak. Ngunit hindi nagpatalo si Ogboinba na habang binibigkas ni Isembi ang kanyang mga huling dasal, nagsimula na ring bumigkas si Ogboinba, habang siya ay bumubulong unti unti na ding bumabalik ang kanyang kapangyarihan, at mawala ang kay Isembi. Tumalon siya sa naghihirang hari at sinabi na hindi niya ito kikitlan ng buhay kahit na siya ay karapat dapat nang mamatay, at siya ay lumakad na papalayo.

No comments:

Post a Comment