Pages

Thursday, January 4, 2018

“MandeLA-BAN para sa Karapatan!”
(Talumpati mula South Africa)
                                                                Isinulat ng IKALAWANG PANGKAT NG URANIUM

PAGKILALA SA MAY AKDA

    Si Nelson Mandela ay ang unang itim na presidente ng Timog Aprika simula 1994 hanggang 1999. Isang lalaking may magkakasalungat na katangian na marahil ay nagmula sa kaguluhan ng panahon. Siya ay nag-aral sa kolehiyo at naging isang lawyer.
Isinulat nya ang "Handa Akong Mamatay" o "I Am Prepared To Die" dahil sa diskriminasyon sa mga taga-Aprika. Hindi pantay ang pagtrato sa kanila kumpara sa mga puti. Namumuhay ang mga puti sa karangyaan, habang naghihirap ang mga taga-Aprika sa kahirapan. Itinuturing ang mga taga-Aprika na alipin, na siyang nagtulak kay Mandela upang ipaglaban ang kalayaan at karapatan nila. Ninais ni Mandela na magkaroon ng pagkakapantay-pantay pagdating sa pagtrato sa mga itim kumpara sa mga puti. Mabigyan sila ng mataas na pasahod. Gusto nyang matapos na ang hindi magandang pagtrato sa kanilang mga taga-Aprika.
URI NG PANITIKAN
     Ginamit ng manunulat ang paraang sanaysay upang ihayag ang kanyang mga paniniwala at saloobin patungkol sa hindi pantay na pagtrato ng batas, na ginawa ng mga puti, sa pagitan ng mga puti at Aprikano na kapwa naninirahan sa Timog Aprika.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga opisyal na datos mula sa pamahalaan ay ipinakita niya ang hindi makatarungang pagkakaiba sa benepisyong natatanggap ng mga puti at Aprikano sa larangan ng edukasyon, trabaho at ekonomiya.
Hindi sya gumamit ng matatalinhagang salita sa kanyang pagsulat, bagkus ay mga ordinaryo at klarong salita upang malinaw nyang maisawalat ang kanyang mensahe.  
LAYUNIN NG AKDA
 Pinapakita ng akda sa kanyang mga mababasa ang nangyayaring racial discrimination at kung ano ang nais ng mga taga-Timog Aprika, ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at hindi maituring na mas mababa ang kanilang sistema ng pamumuhay sa mga puti dahil lamang sa kanilang kulay. 

Mailalapat din ang mga teoryang Realismo, Sosyolohikal, at Marxismo sa akda. Sa teoryang Realismo naglalayong mapakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan. Makikita natin na sa buong akda nakalaan ang mga karanasan ni Nelson Mandela ukol sa racial discrimination.


Sa Sosyolohikal naman naipapakita ang kalagayan at suliraning panlipunan sa lipunang kinabibilangan ng may akda. Isa sa mga suliranin na nakahayag dito ang diskriminasyon sa lahi. At kahit ngayon mayroon pa ring diskriminasyon lalo na sa mga may african heritage.


At ang huling teorya, Teoryang Marxismo, ipinapakita dito na ang tao ay may kakayahang umangat buhat sa kahirapan at suliraning panlipunan. Hindi naman ganoon nakatuon ang pokus ng akda sa teoryang ito ngunit base sa bayograpiya ni Nelson Mandela, siya ay naimpluwnsyahan ng Marxismo kung saan siya'y sumali sa South African Communist Party (SACP) ng palihim. Ang layunin ng samahang ito ay ang mawakasan ang sistema ng apartheid ngunit ito ay idineklarang ilegal.

TEMA O PAKSA NG AKDA
     Ang tema ng talumpati ay tungkol sa panawagan at pagmumulat sa karapatang pantao ng mga African at sa kanilang pantay na karapatan sa lahat ng bagay kumpara sa mga puti. Hindi lamang ito para sa mga African kundi ito ay puedeng gamitin sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Ito ay naghahatid ng mensahe na ang diskriminasyon sa lahi ay isa sa mga dahilan kung bakit di umuunlad ang isang tao o bansa. Kailangan natin magtulungan at irespeto ang isa’t-isa para makamit ang pag-asa’t ginhawa.
Ang mga karakter sa akdang ito ay ang mga tao na nakaranas ng mga pangyayari sa akda ng "Handa Akong Mamatay" ni Nelson Mandela. Ang mga Europeong nang-api sa mga Aprikano, sila ang pinaka naapektuhan noon dahil sa diskriminasyon sa trabaho at pag-aaral. Kasama rin ang may-akda na lumalaban para matanggal ang saligang batas na umiiral sa kanilang bansa.

TAGPUAN/PANAHON
     Isinulat ang talampating ito noong Hunyo ng 1961 nang iginiit ang pag-babago sa polisya ng National Liberation Movement. Ang National Liberation Movement ay isang organisasyon na lumalaban sa giyera para sa national liberation.

Ang imahe na nasa taas ay galing sa Wikipedia, ito ay pinapapakita ang census noong 1960. Ang mga Bantu ay ang mga katutubo ng Aprika, sila ang pinakamaraming naninirahan sa Aprika pero sila ay inaabuso ng mga White o ang mga dayuhan. Ang isa sa posibleng nagdudulot nito ay ang kasaysayan nila sa pananakop nga mga taga-Britanya.
     Sa kalagitnaan ng 1870’s at 1900, ang Aprika ay humarap sa European imperialist aggression, diplomatic pressures, military invasions, and eventual conquest and colonization. (www.sahistory.org.za/article/history-slavery-and-early-colonisation-south-africa) Sa unang yugto ng pananakop ng mga taga-Britanya, ang Timog-Silangang Aprika ay naging pangunahing pinanggagalingan ng mga alipin. Ang pangunahing dahilan ng mga ekspedisyong ito ay ang pagpapalitan ng mga alipin. (exhibitions.nypl.org/africanaage/essay-colonization-of-africa.html)











     Pinakamayamang bansa sa Aprika ang Timog Aprika noong panahong iyon subalit namuhay ang nga puti sa karangyaan at ang mga taga-Aprika naman ay namumuhay sa kahirapan. Ang insidente ng malnutrisyon at sakit ay napakataas sa mga taga-Aprika. Ang insidente ng mga batang namamatay ay isa sa pinakamataas sa mundo, ito ay binanggit ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati. Sa mga nabanggit niya ay iilan lamang ang mga ito ang nag-udyok sa kanya na umaksyon para mawakasan ang kahirapan at kawalan ng dignindad na nararanasan ng kapwa niyang taga Timog Africa. Kaya pinasok niya ang politika at naging abogado para baguhin ang batas na lumalabag sa karapatang pantao ng mga taga-Timog Aprika.
    

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
     Ang talumpating ito ay madling intindihin at may iisang mensahe, ang diskriminasyon ay di nakakabuti sa bansa man o sa sarili. Ipinapakita dito ang adhikain ng nakararaming Aprikano, umunlad ang kanilang bansa at ang kanilang sarili ito man ay ekonomiko, panlipunan, etc.
Hanggang ngayon ay isang malaking problema pa rin ang diskriminasyon sa lahi kaya ang talumpating ginawa ni Nelson Mandela ay masasabi nating luma pero yung mensahe ay makabago at pinag-uusapan pa rin. Si Nelson Mandela ay isang Aprikano na nararamdaman ang diskriminasyon sa kanyang bansa kaya nakikita/nalalaman niya ang pananaw ng kanyang mga kababayan, ito’y ang dahilan kung bakit sumikat siya at pinuri ng kanyang kababayan pati na rin ang mga dayuhan. Kaya ang talumpating ito’y naging popular dahil iilan lamang ang may lakas ng loob na kalabanin ang makapangyarihan para sa nararapat na karapatan naipinagkakait sa kanila.
Mas maiintindihan ang talumpati kapag binasa ito ng paulit-ulit dahil nung binasa namin ng paulit-ulit ay mas nakakabilib ang kanyang ginawang estruktura ng talumpati. Nakakakumbinse na totoo ang kanyang sinasabe na naghihirap ang mga Aprikano, totoo na di patas ang gobyerno, totoo na may diskriminasyon! Sa ipinahayag niya na matitibay na ebidensya ang nagpanalo sa mga tao at sa ibang bansa.
Iilan lang ang mga tao na gugustuhing isakripisyo ang kanilang buhay para sa kanilang bayan, para sa kapakanan ng nakararami. Kaya sana ang makuha natin dito ay maging makabayan, di makasarili at lumaban para sa ikabubuti ng nakararami.


     Ang talumpating ginawa ni Nelson Mandela at ang paglaban niya sa karapatan ng mga Aprikano ay ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ay binigyan ng “The Nobel Peace Prize 1993”. Ang Noble Peace Prize 1993 ay ibinigay kay Nelson Mandela at kay Frederik Willem de Klerk para sa kanilang mapayapang pagsugpo ng apartheid regime at sa paglalagay ng pundasyon para sa bagong demokratikong Timog Aprika.
     Kaya ngayon ay inaaral ang kanyang talumpating “Handa Akong Mamatay” para makapulot tayo ng mga kaisipan/aral mula rito:
-           “Dumaratig sa buhay ng isang bansa na kailangan niyang mamili; ang yumuko o lumaban.” 
-          "May dalawang paran upang makalaya sa kahirapan. Una ay sa pamamagitan ng pormal na edukasyon, at pangalawa sa pamamagitan ng pagpapataas/pagpaparami ng manggagawa sa kanyang kakayahan.”
-          "Hadlang para sa ekomikong pag-unlad at pag-unlad sa sarili ang paghihiwa-hiwalay batay sa kulay.”

-          "Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at malusog na pamumuhay".


ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
     Epektibo ang pamamaraan ng may akda sa kanyang pagsulat sapagkat ito'y nadama ng mga nakikinig at mga mambabasa.
     Naging epektibo din ang pamamaraan ng may akda sa kadahilanang ito'y nagbigay atensyon sa pamamagitan ng pagbukas sa mga isip ng bawat mambabasa at ito ay pinag-aralang mabuti dahil maingat at angkop ang mga salitang ginamit sa akda. Kami mismo may nadala at naantig sa mga kwento at sitwasyong nailahad sa talumpati. Mahusay na naiparating ng may akda ang nais niyang mensahe sa kanyang mga pahayag.

Lantad ang pagkakasulat nito, inilalahad niya ang nais na iparating ng may-akda. Hindi gumamit ng mga mabulaklak na salita.  Tumatalakay sa napapanahong isyu ng kanilang lipunan. Naglalahad ang may-akda ng kanyang saloobin at damdamin.


Ang talumpating "Handa Akong Mamatay" ni Nelson Mandela ay pumapatungkol sa hindi makatarungang batayan sa buhay na bumabase sa kulay, ang pagkakaiba ng buhay ng mga African at mga puti sa kanilang bansa na South Africa. Ipinapakita rito ang "White supremacy" mula sa lupa ng mga Aprikano-ang tunay na may ari ng lupa, kung saan ang mga puti ay mas maginhawa ang buhay, at mas nagbebenepisyo kumpara sa itim dahil sa batas ng pamahalaan.



1 comment: