MGA TALULOT NA DUGO
isang nobela mula sa Kenya
na akda ni Ngugi Wa Thiong’o
Isinuri ng 10-Uranium (Ikatlong Pangkat)
isang nobela mula sa Kenya
na akda ni Ngugi Wa Thiong’o
Isinuri ng 10-Uranium (Ikatlong Pangkat)
Ngugi Wa Thiong’o- ay isang tanyag na manunulat mula sa Kenya. Isinilang noong ika-5 ng Enero 1938. Ang ilan pa sa mga sikat na akda niya ay ang “Weep not Child” ng taong 1964, “The River Between” (1965) at “A Grain of Wheat” (1967). Noong una ay sa wikang Ingles nakasulat ang kanyang mga akda, hanggang sa napagpasiyahan niyang talikuran ang pagsusulat ng mga akda sa wikang Ingles at sa halip ay yakapin at gamitin ang wikang Gikuyu, na wika ng kanyang bayan. Noong taong 1977 ay natapos niya ang nobelang “Mga Talulot na Dugo” na ginawa niya sa loob ng 5 taon. Ang nag-udyok sa pagkakalikha ng nobelang ito ay dahil sa kawalan ng hustisya at pagkapantay-pantay sa lipunan ng Kenya. Dahil din sa nobela niyang ito ay nakulong siya. Ang “Mga Talulot na Dugo” ang huling nobela niya na nakasalin sa wikang Ingles. Sa loob ng kulungan niya napagtanto na dapat wikang Gikuyu ang kanyang ginagamit sa paglikha ng mga akda, hinikayat din niya ang iba pang mga manunulat na Aprikano na gawin din ang ginawa niya.
II.
Uri ng
Panitikan
Ang
“Mga Taluluot na Dugo” ay isang nobela. Ang nobela ay isang mahabang kuwentong
piksyon (fiction) na binubuo ng mga kabanata at maraming mga tauhan. Ang
pangunahing tauhan sa isang nobela ay haharap sa mga pagsubok at kaniya itong
masosolusyunan. Layunin ng isang nobela na gisingin at mapukaw ang diwa at
damdamin ng mambabasa. Gayundin ang pagpapahiwatig ng mga aral at mensahe o
simbolismo na nakapaloob sa panitikang ito.
III.
Layunin ng Akda
Ang layunin ng may akda ay ilarawan sa mambabasa ang mahirap na pamumuhay ng mga mag-aaral sa paaralan ng limorog, Kenya. Hindi lang iyon, layunin din ng akda ang ipakita o ilarawan ang mga suliranin sa Africa, lalo na sa kultura, paniniwala at estado ng bawat mamamayan ng Ilmorog sa akda. Layunin din ng akda ang magbigay mensahe sa mga mambabasa na kung lalaksan lang natin ang ating loob, ipaglalaban ang tama at ipakita na hindi tayo takot sa anumang masasamang masasabi saatin basta’t alam natin na ang ginagawa natin ay ang makabubuti sa lahat, magkakamit natin ang tunay na pagbabago.
IV.
Paksa o Tema
Ang tema nito ay tungkol sa pagpapakita ng estado ng lipunan na nakaka-apekto sa edukasyon sa Kenya, kahirapan kaya’t marami ang hindi nakakapag-aral at ang kahalagahan ng edukasyon.
V.
Mga Tauhan
-Godfrey Munira – isang boy/katulong na nagpupunta sa Ilmorog upang makapagturo sa kanyang sira-sirang paaralan. Napa-ibig kay Wanja at isang arsonista na pinaghahanap ng mga pulis.
-Godfrey Munira – isang boy/katulong na nagpupunta sa Ilmorog upang makapagturo sa kanyang sira-sirang paaralan. Napa-ibig kay Wanja at isang arsonista na pinaghahanap ng mga pulis.
-Abdulla – isang may-ari ng tindahan na nawalan ng
binti sa Mau Mau rebellion.
-Nyakinyua – ang pinaka-iginagalang na matandang babae
ng barangay, at lola ni Wanja.
-Wanja – apo ni Nyakinyua. Isang dalubhasang
barmaid (waitress sa bar) na umiiwas sa kanyang nakaraan sa siyudad.
-Karega – isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang
isang teaching assistant sa paaralan ni Munira bago mabago ang maling akala at
tumungo sa siyudad.
-Mituri, Njuguna ,Ruoro – tatlong makaririwasang pesante
-Njuguna – siya ang nangarap na maisuot ang ngome
-Tandang Njugu – ang taga pagturo sa kakatwang tatluhan
-Mwathiwa Mugo – siya ang pinupuntahan ng mga tao upang
lutaasin ang mga hidwaan at problema.
-Uhere o Mutung ‘u – ang taga-taboy ng mga iniwang asawa sa
Ilmorog
-Ndemi – siyang espiritu na galing sa puntod
-Mga bata – ang mga
nagmamanman kay Godfrey
-Mzigo – ang may-ari ng napakalinis at napaka ayos
na opisina
-Joseph – siya ay
isang maliit at patpating tindero ng kagamitan
-Mwalimu – kainuman ni Joseph
-Gatutu Gaka –
isang waiter sa pinagiinuman nila Joseph.
Ang nobela ay naganap sa Ilomorog (isang lugar sa Afrika) ay isang nayon na halos desyerto na ang itsura, maalikabok at larawan ng walang kaunlaran ang paligid. Ang tanging ikinabubuhay ng karamihan ay pagbubukid. Isa pang tagpuan ay ang paaralan at Akasya, pati ang Tagaytay.
VII.
Balangkas ng
mga pangyayari
Ang nobelang “Mga Talulot na Dugo” ay umiikot
sa mga suliranin na kinakaharap ng isang guro na nais tulungan at pabalikin ang
mga estudyante sa paaralan. Sa isang bansang laganap ang kahirapan, masasalamin
kung paano matutulungan at mababago ni Munira ang lugar nila.
VIII.
Kaisipan/Ideyang
taglay ng akda
-“Akala ko
gusto mo ng isang lugar na matahimik?”
-“Itong mga bata… Maraming mga banyagang pananalita sainyong mga kukote.”
-“Pero kinakailangang kumuha kayo ng gurong magtatanggol sa ganitong masungit na pakikitungo at pagwawalang-bahala ng sambahayang laban sa kaliwanagan at pag-unlad.”
-“Itong mga bata… Maraming mga banyagang pananalita sainyong mga kukote.”
-“Pero kinakailangang kumuha kayo ng gurong magtatanggol sa ganitong masungit na pakikitungo at pagwawalang-bahala ng sambahayang laban sa kaliwanagan at pag-unlad.”
-Ang isang suliranin ay hindi mareresolba
kung walang kahit isa ang kikilos.
-Mas mapapadali ang pagresolba sa isang bagay kung lahat ay
magtutulong-tulong.
IX. Estilo ng
pagkakasulat
Sa una medyo nakaka tamad basahin ang
nobela, mahaba at malalalim na salita
ang ginagamit. Ngunit kapag pinagpatuloy
mo ang pagbabasa ay mamamangha ka sa mga simbolismo na kanyang inihahatid.
Pinapagana ng nobelang Mga Talulot na Dugo ang iyong imahinasyon kaya ito
nakakamangha basahin.
Ang problema lang sa nobelang ito ay wala
itong sapat na impormasyon sa nangyayare sa karakter kaya medyo magulo kung babasahin
mo ito. Hindi agad mauunawaan ang ibang mga impormasyon. Ang pagpapalit-palit
din ng mga tagpuan at mga pangyayari ay medyo magulo.
Pangakalahatang pagsususri sa estilo ng
pagkakasulat ng nobela, Maganda ang gustong ipahiwatig ng nobela ngunit kulang
sa impormasyon ang mga ibang salita na ginamit o mga nangyayare sa nobela.
X.
BUOD





Sumunod ay inilarawan ang kabataan.
Iniwan ang bayan nagkaroon ng mga hindi pagkakaintindihan. Ang iba’y bukas ang
isipan samantalang sarado naman ang sa iba. Mapapansin ang unti unting
pagbabago ng kabataan at hinalintulad nila ito kay Abdulla. Nang pinuntahan
niya si Abdulla , pumasok siya sa isang pinto sa pamamagitan ng pintuan sa
likod at naupo sa gilid ng lumalangitngit nabangko. Doon nag –antay siya na dalhan ng “beer” na Tusker ni Joseph
. Bago pa man siya makalagok ng isang patak nang kanyang inumin , ay sinamahan
siya ng tatlong matitipunong may edad nang mga lalaki sa mesa. Nagkaroon sila
ng kapiranggot na pag uusap. Sa gitna ng pag-uusap ay nabanggit ni Munira ang
pag-asam niya sa hinaharap ng paaralan.Nagpatawag siya ng isang asemblea ,
ngunit lilimang bata lamang ang nagpunta. Pinuri niya ang mga ito sapagkat siya
nagalak na ang mga ito ay nagkaroon ng pag-iisip at makadalo sa asemblea. Ang
unang asemblea niya puno ng kabiguan. Tanda niya na maraming mga mata sa
paligid niya na puno ng pangungutya buhat ng kanyang pagkabigo sa kanyang
misyon na buhayin ang lumang paaralan. Sa malayong bukirin ay tila kinantahan
siya ng mga babaeng may pang-uuyam.




Nagtungo siya kay Abdulla at naglabas ng hinanakit.
Nagkaroon sila ng pag-uusap at naihanlintulad nila ang pakikitungo ng mga tao
sa kanila. Matapos noon ay nagtungo si Munira sa Ruwa-ini. Ang nakagisnan
niyang mga riles at tren ay napalitan na ng isang uri ng daan na hindi wari ng
daan na nag-iwan ng dati niyang mapanghuthot na kabantugan.Natanaw na niya ang
mga gusali ng Ruwa-ini. Naalala niyang hindi pa siya nakakaisip ng
alternatibong paraan upang buhayin ang paaralan sa Ilmorog. Hindi maalis ang
kabiguan sa kanyang isip na hindi malayong ihambing sa tagumpay ng kanya ama.
Dahil sa labis na pagtatanto’y naisipan niyang huminto sa isang golf course at
panoorin ang isang Aprikanong pinagtatawanan nang kanyang mga kasama habang
ikinakampay ang pamalo nang hindi tinatamaan ang bola.Dali-dali siyang pumunta
sa Ruwa-ini. Isang lugar na napakalinis at maayos na opisina nang nagngangalang
Mzigo. Nagkaroon sila ng dayalogo patungkol sa kanyang pagpunta sa Ilmorog.
Nagkaroon ulit si Munira nang pagtatanto tungkol kay Abdulla , sa lumpo , kay
Nyakinyua , sa matandang babae at sa mga batang mas piniling magpastol ng baka
at akyatin ang punong miarki kaysa pumasok sa paaralan. Sa kanyang pagtatanto,
naisipan niyang mangalap ng mga tisa , sklat, pansanay, at mga papel na
sulatan.“Oo , G. Munira, dalhin mo sila sa akin para mabigyan ng pormal na
paghirang. Gusto kong makitang lumaki ang paaralang iyan. Gusto kong makitang
lahat ng mga klase ay naidaraos” wika ni G. Mzigo ng siya ay tanungin ni G.
Munira kung siya’y makakatangap ng tulong mula sa UT.Ang mga kabiguan ay mga
pagsubok lamang. Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa tuwing tayo’y matutumba.
Naway magsilbing aral sa bawat isa ang mga pagkakamali at kabiguan sa daan.
No comments:
Post a Comment