Pages

Thursday, January 4, 2018

Ang Pinili ni Uncle Ben Salin ni Delfin Tolentino Jr.

Ang Pinili ni Uncle Ben Salin ni Delfin Tolentino Jr. Mula sa Uncle Ben's choice ni Chinua Achebe 


PAGKILALA SA MAY AKDA: Si Chinua Achebe o Albert Chinualumugo Achebe ay isang novelist at author. Sya ay isinilang noong November 16, 1930 sa LGBO town ng Ogidi sa Eastern Nigeria naging empleyado din sya ng nigerian broadcasting corporations noong 1961 bilang director of external broadcasting tumagal sya sa kanyang pwesto hanggang 1966 isa sa mga pumatok na novel nya na nakapagbenta ng halos 20 million copies ay ang "Things Fall Apart" na isinalin din sa 50 languages. Si Achebe ay naging faculty member din ng isang Unibersidad sa U.S. at Nigeria nanalo sya ng several awards dahil sa kanyang writing career at nakatanggap din sya ng honorary degrees mula sa 30 Unibersidad sa buong mundo at kinalaunan namatay si Achebe sa edad na 82 noong March 21, 2013 sa Boston Massachusetts

URI NG PANITIKAN: Ang Uncle Bens Choice ay isang anekdota. Sapagkat eto ay tumatalakay sa kakatwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang tanyag o kilalang personalidad. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawang mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng tao.

LAYUNIN NG AKDA: Ang akdang ito ay naglalayong magturo sa mga mambabasa kung gaano kahalaga ang pamilya ipinaparating nito sa atin na hindi kayang higitan ng kahit anong materyal na bagay ang pamilya isa ay ang pagiging mapili sa pagkakatiwalaan. Ayon nga sa akda, "ang isang tunay na lalaki ng bayan ay dapat na matutong matulog ng dilat ang isang mata" samakatuwid, maari kang makihalubilo at makisama sa mga tao ngunit huwag kang masayadong maging komportable sapagkat hindi lahat ng kanilang ipinakikita sa iyo at sa iba ay ang kanilang tunay na pagkatao

TEMA O PAKSA NG AKDA: Ang tema o paksa ng Uncle Bens Choice ay ukol sa importansya ng pamilya para sa kultura ng mga Nigerian. Ipinakita dito na sa kabila ng mga naging impluwensya ng pagiging kolonya ng britanya, mas pinili ni Uncle Ben na tiisin ang kanyang mga materyal na paghahangad at talikuran si Mami Wata ng walang pagsisising nadarama
MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA
Uncle Ben- jolly ben ang tawag sa kanyang lahat, sya ay isang klerk o Niger company sa Umuru
 Mga babae sa Umuru- ayon kay Uncle Ben, sila at magaganda ngunit tuso
Margaret Jumbo- isang babaeng mataas at manilaw-nilaw ang balat, siya ay naiiba daw sa mga babaeng umuru ayon kay Uncle Ben Matthew
 Obi- siya ay kaibigan at kapitbahay ni Uncle Ben
 Senior clerk- nabilanggo dahila nagnakaw ng ilang pado ng kaliko at siya ang pinalitan ni Uncle Ben sa trabaho
GB Olivant- nakatira ngayon sa dating bahay ni uncle ben
Tatay- ama ni Uncle Ben na siyang nagbibigay sa kanya ng mga payo
Mami Wata- ang diwata ng Niger, sya ang misteryosong babae na napakaputi na biglang lumilitaw sa bahay ni Uncle Ben
 Dr. J.M stuart-young - siya ay isang komersiyanteng puti na naging kalaguyo ni Mami Wata na naging dahilan ng kanyang pagiging pinakamayamang tao sa buong bansa




TAGPUAN/PANAHON: ang unang tagpuan at panahon kung saan at kailan naganap ang kuwento ay sa Niger company sa Umuru kung saan isang klerk ang ating pangunahin tauhan. Ikalawang tagpuan naman ay sa mga club na kaniyang pinupuntahan tuwing nagpapasya siyang magsaya, makihalubilo at uminom sa kanyang mga barkada at sa mamga ibang tao. Ikatlo ay sa bahay ng pangunahing tauhan sa kanyang katre kung saan nagpapakita sa kanya si Mami Wata at ang huling tagpuan ay sa bahay ni Matthew Obi na kaniyang tinakbuhan ng siya ay matakot sa diwatang bumisita sa kaniya
NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI: Ang Uncle Bens Choice ay sadya namang napakainteresante. Inilahad dito kung paano ang tingin ng isang lalaki sa mga babae "maganda ngunit tuso" ika ni Uncle Ben. Madali lamang din kuhanin o intindihin ang punto ng nagsasalaysay. Ang ilang pangyayari sa akdang ito ay sadya naman talagang hindi pangkaraniwan kagaya na lamang ng isang diwata na ibibigay ang lahat ng iyong kagustuhan ngunit ito'y hindi pakakasal sa iyo. Ang akdang ito ay puno mg aral at sense. Ipinaparating nito satin kung gaano kahalaga ang pamilya higit sa mga materyal na bagay na hindi pangmatagalan
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
 -tayo ay dapat na hindi mawala sa ating katinuan kahit ano pa man ang mangyari
-kinakailangan natin maging alerto sa mga taong nakapaligid sa atin dahil kalimitan sa mga tao ngayon ay mapanukso
 -hindi dapat tayo gumagawa ng mga bagay na hindi natin makakayanang panindigan ang kalalabasan
 -mas piliin natin ang mga bagay na magbibigay sa atin ng kasiyahan na hindi matutumbasan ng salapi -hindi nagtatagal ang kayamanan kahit na ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA Ang maikling kwento na "Ang pinili ni Uncle Ben" ay isang uri ng malikhaing pagsulat na piksyonal, naglalaman ito ng mga piksyonal na karakter katulad ni Mami Wata na isang water spirit. Sa mga huling parapo ng maikling kwento natin lalo makikita ang pagiging malikhain ng awtor dahil dito nabanggit ni uncle ben na siya ay binisita ni mami wata, ang diwata
BUOD: Si Uncle Ben o mas kilala sa tawag na Jolly Ben ay isang klerk sa Niger Company sa Umuru. Siya ang tipo ng lalaki na maaari mong makasama sa kasiyahan, biruan, inuman o kahit ano pa man, pero ni minsan ay hindi siya mawawaglit sa kaniyang katinuan. Naniniwala kasi siya sa sinabi ng kanyang ama na dapat ay matuto tayong matulog ng dilat ang isang mata dahil masyadong mapangahas ang mga tao sa ating kapaligiran. Nang sumapit naman ang Bisperas ng Bagong Taon ay nagpunta si Uncle Ben sa Club. Noong mga panahong iyon ay nakulong ang senior clerk nila dahil nagnakaw ito ng ilang paldo ng kaliko at siya ang pumalit dito kaya siya na ang nakatira sa maliit na bahay ng kompanya. Ang alam lang nila ay naka depende ang tama o mali sa kung ano ang hangad nito sa buhay. Kung yaman man o anak at asawa. Kung siguro yaman ang nais nito ay maling pinagtabuyan niya ang babae ngunit sino nga ba ang maghahangad ng yaman? Yaman na nauubos sa paglipas ng panahon? Tama nga sigurong pinili ni Uncle Ben na ipagtabuyan si Mami Wata at mas piniling mag asawa at anak. Dahil narin alam ni Uncle Ben na ang Asawa at anak ay pangmatagalang nagbibigay ng kasiyahan at kagaya ng yaman ni Mami Wata, maituturung niya ring yaman ang kaniyang anak at asawa.

ARAL : Yaman, Salapi,Mga ari- arian, lahat ng yan ay balewala kung mayroon kang asawa at anak na maari mong ituring na sariling kayamanan.

No comments:

Post a Comment